40 patay sa Yemen

MAY PANIBAGONG nangamatay na mga Yemeni na tinatayang humigit sa 40 katao matapos magkasagupa ang mga security forces ni President Ali Abdullah Saleh at grupo ng Hashed tribe.

Nabatid na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga security forces at Hashed tribe na pinamumunuan ni Sadiq al-Ahmar.

Ayon sa defense ministry ng bansa, umabot ng 28 katao ang napatay sa pagsabog pa lang ng isang armory sa Sanaa.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay may mga panaka-nakang putok ng machine gun na dala ng mga sibilyan na hinihinalang miyembro ng nabanggit na tribu.

Nangangamba ang Amerika na baka magkaroon ng civil war sa Yemen at pinayuhan ang mga kababayan nito na umalis na sa naturang bansa hanggang mayroon pang mga commercial flights ng ibang mga airline companies.

“Obviously it’s a very fluid situation. There’s ongoing clashes in Sanaa. There’s also fighting in and around the airport, but our understanding is that the airport does remain open and international flights do remain available,” ayon kay U.S. State Department spokesman Mark Toner.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply