Resulta ng reinvestigation sa Vizconde case ilalabas na

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na mailalabas nila ang resulta ng isinasagawang reinvestigation sa Vizconde massacre case bago pa matapos ang 20-year prescriptive period para rito.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, minamadali na nila ang ginagawang imbestigasyon upang masiguro na kung may mga bagong madidiskubre at matukoy ang tunay na salarin ay maisasampa pa ito sa korte.

Kasabay nito, inihayag ng kalihim na may mga bagong development o second breakthrough sa Vizconde case ngunit tumangging sabihin kung ano ito.

Sinabi ng kalihim na may mga bago silang testigo na isasalang sa polygraph test sa susunod na linggo na pinaniniwalaang makakatulong sa pagresolba sa krimen.

Ipinaliwanag ng kalihim na may ilang discrepancy kasi silang nakita sa unang breakthrough o development mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa second breakthrough mula naman sa PNP-CIDG na kailangang i-polish nila. Teresa Tavares

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply