Nanay ni Kiray nag-uuwi ng lafang mula sa taping

DATI si Mommy Divine, ang nanay ni Sarah Geronimo, ang natsi-tsismis noon na nag-uuwi ng pagkain mula sa mga shooting, taping at okasyon na imbitado ang sikat na singer.

Okey lang naman ‘yun. At least, walang nasasayang na grasya.

Ngayon, heto naman ang madir ni Kiray Celis, masyado raw masinop at nanghihinayang sa mga tira-tirang pagkain sa taping ng “Mara Clara” kaya may-I-uwi na lang niya sa balaysung. Oo. Tama…tama!

Pero may birong tinuran ang source natin. “Wala namang masama sa pagge-getsing ng food kesa mapanis, di ba? aniya. Kaya lang, sana patapusin munang kumain ‘yung tao bago getsingin ang foodtsina. Hahahahaha!”

Well, alam n’yo bang ang ganyang mga tao ang lalong binibigyan ng Diyos ng grasya? Dahil alam Niya na hindi nasasayang ang mga biyayang pinagkakaloob Niya sa taong nagpapahalaga sa mga bagay na galing sa Kanya.

Tingnan n’yo naman si Mommy Divine, siya na ngayon ang nagbibigay ng pagkain sa iba, kagaya ng ginawa niya sa isang hotel sa Caloocan nu’ng mag-taping ang natigok na Idol sa ABS-CBN.

Hindi na siya nagti-take out, bagkus, nag-iiwan pa siya ng lafanggetch sa mga taong hindi pa kumakain.

Kaya Kiray, huwag kang mahiya kung si madir ay may mga dala-dalang supot.

Bukas makalawa, kayo naman ang magbibigay ng supot na puno ng pagkain sa mga malilit na tao sa industriya.

***

Pareng Willie bantay-sarado

ABA’Y de-numero na pala (parang robot? Hehehehe!) ang kilos ni Willie Revillame sa kanyang bagong show kapalit nang pinalitang “Willing, Willie”– ang “Wil Time, Big Time” ng TV5 na nag-open last Saturday.

Bantay-sarado ang mga kilos niya ng mga ehekutibo ng Singko maging ng ilang abogado na nagbabantay naman sa aspetong ligal if ever na may paglabag na gagawin o maba-violate ang rights ng isang tao na kasali sa show.

Baka sa una lang ‘yan. Pag nagtagal-tagal na ay all-out  na naman si Willie at super yabang na naman.

Makalilimutan na naman niya ang karapatan ng ibang tao. Ang iniintindi lang niya ang trip niya.

Nawa’y sa muling pagbabalik na ito ni Revillame for the nth time sa boobtube ay bawas-bawasan na niya ang sobrang kayabangan.

Mas masarap manood sa isang show kapag ang nagho-host ay puro pagpapasaya lang ang iniisip at ginagawa para sa ikasasaya ng manonood at hindi ang pag-iinarte at pagpapakita ng kagaspangan at pagpa-power trip.

Giatay!

***

Matteo insecure kay Bianca kapag nakatakong

MAY karapatan bang mabadtrip Matteo Guidicelli sa tuwing nagsusuot ng high-heels si Bianca Manalo sa kanilang noontime show na Happi,Yipee, Yehey!?

Kasalan ba ni Bianca na naging matangkad siya? Kung ayaw ni Matteo na nagmumukha siyang batang paslit sa tabi ng una, aba’y magsuot din siya ng sapatos na may mataas na takong.

Uso naman ‘yung sapatos na may karga sa loob, hindi sa labas o sa ilalim para hindi obvious.

Kung ngayon pa lang kakain ng mantikilya ang  bagong host na ito ng naturang noontime show, aba’y huli na hindi na siya tatangkad. Baka masira lang ang tiyan n’ya ng paborito kong palaman sa tinapay. Hehehe!

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply