48-bebot nagagahasa kada oras sa Congo

BASE sa isang pag-aaral ng mga US scientists, may average ng 48 babae ang ginagahasa sa Democratic Republic of Congo kada oras.

Sa labing dalawang buwan nilang pangangalap at pag-aaral sa mga datus sa bansa, umabot ng 400,000 kababaihan na may edad 15 hanggang 49 ang nagahasa. Mataas ito sa estimate ng United Nations na umaabot lang sa 16,000.

“Our results confirm that previous estimates of rape and sexual violence are severe underestimates of the true prevalence of sexual violence occurring in the DRC,” ayon kay Amber Peterman ang pangunahing may-akda ng pag-aaral.

“Even these new, much higher figures still represent a conservative estimate of the true prevalence of sexual violence because of chronic underreporting due to stigma, shame, perceived impunity, and exclusion of younger and older age groups as well as men,” dagdag pa niya.

Nabatid na ang pinakatalamak na lugar ay ang North Kivu kung saan ay 67 sa 1,000 kababaihan ang nagahasa na.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply