125 Pinoy ginawaran ng pardon ng Saudi King

MAKABABALIK na sa Pilipinas ang 125 mga Pinoy na ginawaran ng pardon ni Saudi King Abdullah.

Kabilang sa mga napalaya ay 29 na kababaihan na nakapiit sa Al-Nisa jail sa Riyadh.

Ang mga inmates na pinalaya ay nakasama sa amnesty program na iginawad ni King Abdullah.

Nakatakda silang bumalik sa bansa dahil binigyan din sila ng kanilang mga plane tickets ng Saudi Government at iba naman ay ng kanilang employers.

“Some of them have served their jail sentences… their plane tickets were provided by either the Saudi government or their employers,” ayon kay Migrate Middle East regional coordinator John Leonard Monterona.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply