5-anyos bunso nabaril ng 10-anyos ate

PATAY ang limang taong gulang na babae matapos aksidenteng mabaril ng kanyang 10-anyos na kapatid na babae habang naglalaro sa loob ng kanilang bahay sa Lipa City sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente nitong nakalipas na Biyernes ng hapon sa loob mismo ng tahanan ng mga bata.

Ayon kay P/Sr. Supt. Rosauro Acio, Batangas police director, naglalaro ang magkapatid nang biglang makatuwaang kunin ng nakababatang babae ang shotgun na iniingatan ng kanilang ama sa ilalim ng kama.

Inosenteng itinutok ng bata sa kanyang kapatid ang baril de sabog at aksidenteng nakalabit dahilan kaya nasapol sa ulo ang biktima.

Mabilis na sumugod ang ama ng mga paslit matapos marinig ang malakas na pagsabog at nakitang patay na ang kanyang anak.

Lumabas sa pagsisiyasat na walang kaukulang lisensiya ang Winchester 12-gauge shotgun na pag-aari ng tatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply