5-anyos patay sa kuryente

ISANG batang lalaki ang nangisay at namatay agad matapos itong makuryente  habang nakikipaglaro sa kasamahan niya sa isang abandonadong junkshop Biyernes ng hapon, Mayo 20, sa Sitio 6 Barangay Catmon, Malabon City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Shawn Reynald Amor, 5, at residente  ng Dumpsite Sitio 6 Catmon ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Robert Miclat ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon Police, alas-5:30 ng hapon ng makuryente ang biktima sa nasabing lugar.

Base sa pahayag ng tiyahin ng biktima na si Sandra Mejica, naliligo ang kanyang pamangkin sa ulan kasama ang apat pang kalarong bata nang aksidenteng nadikit ito sa isang live wire.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para alamin kung ang dating may-ari ng nasabing junkshop ay may pananagutan sa pagkamatay ng biktima. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply