5 container van ng ukay-ukay kinumpiska

KUMPISKADO ang limang container na naglalaman ng ceramic tiles nang mabulgar na undervalue ito ayon na rin sa deklarasyon ng importers ng ukay-ukay na damit.

Sa imbestigasyon, pinalabas ng Goldware Marketing na ang kanilang tiles ay tumitimbang lamang ng 52,552 kgs, gayung ang aktuwal na timbang nito ay 138,610 kgs.

Nakumpirma ang malaking pandaraya nang ikumpara ng Enforcement and Security Service sa ilalim ni Major Ramon Policarpio sa BUreau of Customs ang idineklarang timbang sa shipment sa Stowage Plan at Inward Foreign Manifest ng barko.

Ayon kay Horacio P. Suansing, customs deputy Commissioner for Enforcement, ang pandaraya ay sinadya upang lumiit ang valuation nito ng 171%.

Nagpalala pa sa ginawa ng Goldware Marketing ay ang pagkakatuklas ng iba’t ibang foodstuff na nakahalo sa isa sa container na hindi rin nila idineklara.

Ayon sa Customs and Tariff Code ng bansa, kumpiskado pabor sa pamahalaan ang mga kargamento na undervalued ng higit sa 30 porsiyento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply