5 drug pusher nalambat ng PDEA

LIMANG drug pusher ang nalambat ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation na isinagawa ng awtoridad nitong Mayo 17 at 18.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Undersectary Jose S. Gutierrez Jr.,
sa unang isinagawang buy-bust operation nitong nakalipas na Mayo 18, sa kahabaan ng KM 3 La Trinidad, Benguet ay nagresulta ng pagkakaaresto sa dalawang drug pusher na kabilang sa PDEA-CAR Target List.

Kinilala ang dalawang nadakip na sina Kamar Makalandap at Jamaloding Ali Naik, matapos makumpiska ang mahigit kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu, at isang  unit ng mobile phone na ginagamit sa illegal drug transactions kabilang sa nakumpiska ang marked money na ginamit sa  buy-bust operation.

Sa kaugnay na balita, nitong nakalipas na May 17, ang operatiba ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) ay nadakip ang tatlong hinihinalang drug personalities sa simultaneous buy-bust  operation sa isang hinihinalang drug den raid na isinagawa sa Logoy Grande, Talon-Talon, Zamboanga City.

Nadakip sa naturang buy-bust operation ang suspek na si Ronaldo Infante at May Badria Pet at nakumpiska sa kanila ang mahigit kumulang sa 0.30 gram na shabu at iba’t ibang drug paraphernalia kabilang ang  buy-bust money.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply