5 Pinoy natitira sa WTBC; Immonen sibak na

PANIGURADONG may panibagong kampeon sa nagaganap na 2011 World Ten Ball Championship matapos mabitiwan ni defending champion Mika Immonen ng Finland ang hinahawakang titulo.

Kinaldag ni Tomoo Takano ng Japan si Immonen, 9-7, upang humakbang ang una sa round-of-32 habang talsik na sa nasabing prestihiyosong event ang huli.

“I was lucky. He missed the No. 10 twice and then he missed the No.5, which was crucial,” wika ni Takano.

Mamayang hapon, Mayo 14, naman makikipagtumbukan ang limang natitirang Pinoy cue artists upang pumasok sa last 16 sa event na inorganisa ng Billiards & Snooker Congress of the Philippines (BSCP) at Raya Sports.

Nakatakdang sumargo si reigning World 8-Ball championship king Dennis “Robocop” Orcollo laban kay Karl Boyes ng Great Britain habang si former BSCP National Championship ruler Lee Vann Corteza ay makikipagtumbukan kay Han Hao Xiang ng China.

Makakalaban naman ni Jundel Mazon si Park Shin Young ng Korea habang magpipinahan si Ronnie Alcano at kababayang si Carlo Biado. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply