50 natitigok bawat oras sa aksidente sa kalsada

MAY 50 katao ang naaaksidente at namamatay sa kalsada bawat araw sa Pilipinas.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City Biyernes, tiniyak ni Public Works Secretary Rogelio Singson na karamihan sa mga namamatay ay nasa pagitan ng edad na 10 hanggang 24  taong gulang.

Batay sa pag-aaral, aabot sa 3,500 katao ang namamatay kada araw sa buong mundo habang 137,000 naman ang nasusugatan sanhi ng mga road accidents.

Kinumpirma naman si Singson na karamihan sa mga insidente sa kalyeng naiuulat sa kanilang tanggapan ay bunga ng human error at hindi kasiraan ng sasakyan.

Ayon sa kalihim, labis na nakababahala ang nasabing bilang, lalo na ang posibilidad na ang aksidente sa kalsada ang magiging pangunahing sanhi ng premature death at injury pagsapit ng 2015.

Dahil dito inilunsad ng ahensya ang International Road Assessment Program kaalinsunod ng pagbaba ng pondo ng World Bank para sa isang sasakyang susuri  sa mga kalsada sa buong bansa.

Nauna nang sinuri ng DPWH ang kahabaan ng Commonwealth Ave., na kilala sa bansag na “killer highway” dahil sa napaulat na serye ng mga aksidenteng nagaganap sa lugar.

Isusunod namang suriin ng tanggapan ang kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa), Quirino Highway mula Balintawak patungong Caloocan, C-5, at Marcos  Highway na patungong Antipolo City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply