50 sentimos itatapyas sa LPG mamayang hatinggabi

MULING magtatapyas ng 50 sentimos sa presyo ng kada kilo ng LPG na epektibo mamayang hatanggabi (Mayo 27).

Ayon sa LPG Marketers Association LPGMA, simula mamayang hatinggabi, magbabawas sila ng 50 sentimos kada kilo ng LPG o P5.50 kada 11-kilogram na tangke kaya maglalaro na laman ang presyo nito sa P705 bawat tangke.

Sinabi ni LPGMA Party-list Rep. Arnel Ty, ito na ang ikatlong rollback sa kanilang produktong LPG ngayong Mayo.

Kaninang 6:00 ng umaga, nagpatupad na ng P12 na rollback sa gasul ang Petron.

Ang patuloy na pagbulusok ng LPG ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply