50,000 pamilya inilikas sa Albay

INILIKAS na ang mahigit sa 50,000 pamilya sa buong lalawigan ng Albay.

Ayon kay Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), simula kahapon ay naglikas na sila ng mga residente na nasa landslide at flood prone area sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Albay.

Sa ngayon ay aabot na sa humigit kumulang 200,000 katao ang nasa evacutaion centers kasunod na rin ng kautusan ng lokal na pamahalaan na bago sumapit ang alas-6:00 ng gabi ay dapat lahat ay nailikas na.

Kabilang sa mga bayan na inaasahang babayuhin ng bagyong Chedeng ay ang Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Jovellar, Libon, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran, Polangui, Rapu-Rapu, Santo Domingo, Tiwi at ang lungsod ng Legazpi, Tabaco at Ligao.

Sa kabilang dako, patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng Philippine Coast Guard-Bicol sa mga pantalan kung saan pinagbabawalan pa rin ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply