55,000 drivers sesertipikahan bago mag-2013

INANUNSYO ng liderato ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa transport industry na kaya nilang magsagawa ng assessment para mabigyan ng driver’s certificate ang may 55,000 public utility vehicle bago ang taong 2013.

Ito ang mariing kinumpirma ni TESDA Chief Joel Villanueva sa isinagawang punong balitaan sa tanggapan ng Public Information Agency (PIA) sa Quezon City, Huwebes ng umaga.

“We in (TESDA) are confidence that we would be able to assess and issue the National Certificate 3 to drivers before 2013, set by Department of Transportation and Communications (DoTC),” pahayag ni Villanueva.

Saad ni Villanueva, sila umano ang tanging ahensya ng gobyerno na binigyan ng task na isagawa ang assessment at mag-isyu ng driver’s certificate sa mga drayber ng pampublikong mga sasakyan.

Bilang paunang hakbang, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga bus operator na magpadala ng tig-iisang drayber upang isailalim sa rigid training na sila rin namang magtuturo sa kapwa nila mga empleyado sa kumpanyang pinagta-trabahuhan.

Layunin ng TESDA na matapos ang assessment sa 15,000 na mga drayber bago matapos ang taong 2011.

Ang nasabing sertipiko ay kikilalanin o i-a-acknowledge sa lahat ng bansa bago tanggapan ang mga aplikante sa posisyon.

Nauna rito, nagbigay na ng direktibang utos ang DoTC sa lahat ng driver na kumuha ng TESDA certificate bago matapos ang 2013.

Posible namang matanggal sa trabaho o hindi na papayagan pang magmaneho ang mga driver na hindi makakakuha ng nasabing sertipiko.

Sa datos na inilabas ng ahensya, 70 porsyento ng mga aksidente sa lansangan ay kinasasangkutan ng PUV at 98 bahagdan na human error ang dahilan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply