6 bahay natabunan ng putik sa Cotabato

ISA ang patay habang anim bahay naman ang natabunan ng putik sa T’boli, South Cotabato makaraan ang landslide dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Partikular na dinaanan ng landslide ang Sitio Ipil-ipil, Barangay Kematu.

Patay ang isa sa may-ari ng natabunang bahay makaraang tumaas ang alta-presyon dahil sa insidente na kinilalang si Gregorio Mayon, 45.

Ito na ang ikatlong landslide na nangyari sa Barangay Kematu, mula noong Marso 30, na apat ang binawian ng buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply