6 jail guards masisibak sa pagtakas ng carjacker

SINAMPAHAN ng kaso ang anim na jail guards makaraang makatakas ang isang hinihinalang carjacker na nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa barangay Cataggaman, Tuguegarao City.

Nanganganib na masibak sa tungkulin ang mga jail guards na sina  Senior Jail Officer 1 Joel Diciano at Jail Officers Robert Arquilles, Alejandro Aquillos, Jaime Encarnacion, Mario Guzman at Julius Caranguian.

Naunang sinibak sa puwesto si dating BJMP-Cataggaman  Jail warden Senior Insp. Eric Lazaro, BJMP-Cataggaman, nangmatakasan ng isang nagngangalang  Joven Villarosa na nahaharap sa carnapping, robbery-holdup, at double frustrated homicide.

Batay sa ulat si Villarosa ay nakatakas noong Abril 24 sa pamamagitan ng paglagare sa  padlock na nakakabit sa pintuan ng selda. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply