6 na flights kinansela dahil kay bagyong Bebeng

KANSELADO ng anim na domestic flights ang nakansela ngayong Linggo, Mayo 7, dahil sa sama ng panahon na dulot ni bagyong Bebeng.

Unang hindi natuloy ang tatlong flights ng Cebu Pacific na bibyahe sana kaninang alas-sing ng madaling araw at alas-sais ng umaga.

Ito ay mga biyahe mula Maynila papuntang Virac, Manila patungong Naga at Manila pa-Legazpi.

Bukod pa dito, tatlong flights din Air Philippines ang nagkansela na ng kanilang biyahe. Ito ay ang Manila-Calbayog, Manila-Catarman at Manila-Naga.

Samantala, ayon naman sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng tumagal pa ang epekto ni Bebeng hanggang Martes.

Batay sa latest forecast ng Pagasa, nasa layong 40 kilometro pa rin ng timog silangan ng Virac, Catanduanes ang bagyo. Ito ay nagtataglay ng lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Makararanas rin ng pagbugso ng hangin na aabot ng 100 kilometro bawat oras.

Si Bebeng ay Kumikilos ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply