6 na oras na lang?

MAY panukalang batas si Senador Manny Villar na gawin na lang 6 na oras bawat isang araw ang pagtuturo ng mga guro. Pag mas konti daw ang oras ng mga guro sa classrooms ay less stressed sila at magiging mas may quality ang pagtuturo.

Hindi ba ay may panukalang batas na rin na gawing 6 na taon ang high school dahil kulang daw ang apat? Kung titingnan ang kabuuan ng larawan ng ekonomiya ng ating bansa makakasiguro ba na ang mas konting oras ng pagtuturo o mas maraming taon sa eskwela ang solusyon?

Marami sa mga gurong ating natanong, lalo ang mga nasa probinsya, ay hindi naman oras ang idinadaing.  Ang sama ng kanilang loob ay mga butas na bubong ng kanilang classrooms, mga sirang dingding, mga wasak na halos na mga silya at lamesa.

Marami sa mga guro sa malalayo at liblib na lugar ay naglalakad pa ng malayo para makarating sa kanilang paaralan. Pero hindi ito ang reklamo nila.

Kundi ang kulang na classrooms – minsan sa mga ilalim ng puno lang sila nagka-klase. Ang mga chalk minsan sila pa ang bumibili. Ang mga aklat halos limang bata ang naghahati ng paggamit bawat isa.

May reklamo sila sa sweldo, oo, pero hindi iyon ang kanilang prayoridad. Mahal nila ang propesyon ng pagtuturo kung sana lang daw ay makaramdam sila ng sinserong suporta galing sa pamahalaan. Hindi nagbabago ang mga problema sa ating edukasyon, kulang pa rin ang classrooms, kulang pa rin ang guro.

Masasagot ba ng mas konting oras ng pagtuturo ang problemang ito, o solusyon ba ang mas maraming taon sa high school?

Mas gagaling ba ang ating mga guro kung 6 hours na lang silang magtuturo? Mas gagaling ba ang mga bata kung dadagdagan ang taon nila sa eskwela? Ano sa palagay ninyo? Aabangan ko ang inyong mga panukala at baka sa ating mga suhestyon ay makapagbigay tayo ng mahalagang remedyo sa problemang ito.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply