6 sugatan sa tumaob na bus

DAHIL sa antok ay nakatulog ang driver ng isang Victory Liner dahilan upang tumaob ito Miyerkules ng madaling araw, Mayo 25, sa Tumauini, Isabela na ikinasugat ng anim na sakay nito ayon sa ulat ng pulisya.

Sa report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr. ay inabot ng antok ang driver ng passenger bus na kinilalang si Rene Tasane kaya’t nawalan ito ng kontrol sa manibela.

Nabatid na bandang alas-3:30 ng madaling araw habang binabagtas ng Victory Liner na may plakang CWR-668 at body number na 2118 ang national highway ng maganap ang insidente sa may bahagi ng Barangay Liwanag pagsapit sa isang kurbada.  

Dahil dito, anim sa 20 pasahero nito ay kinailangang isugod sa pagamutan. Ang mga nasugatang pasahero ay kinilalang sina Edwin Decamo ng Dagupan City, Pangasinan; Calixto at Juanito Asuncion ng Alcala, Cagayan; Yolanda Liquigan ng Tuguegarao City; Amante Felipe ng Cabatuan, Isabela; at Andrew Basilang ng Nueva Vizcaya.

Unang isinugod ang mga biktima sa Tumauini Emergency Hospital ngunit inilipat sila sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City.

Napag-alamang galing sa Metro Manila ang bus at patungo sana sa Tuguegarao City. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply