6 supporters ni Mangudadatu utas sa ambush

PATAY ang anim na supporter ni Pax Mangudadatu makaraang tambangan ng mga aramadong lalaki kaninang umaga, iniulat ng pulisya.

Si Pax Mangudadatu ay kongresista ng unang distrito ng Sultan Kudarat at tumatakbong gobernador ng ARMM.

Si Pax ay amahin din ni Maguindanao Governor Ismael Toto Mangudadatu, namatayan ng asawa sa
naganap na Maguindanao massacre ilang taon na ang nakararaan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na sa bayan ng Ampatuan ang supporters ni Pax matapos samahan ang kandidato sa paghahain ng COC nang harangin ng mga armadong lalaki na pawang mga naka-bonnet.

Nang hindi huminto ang sasakyan ng mga biktima ay pinaulanan sila ng bala ng hindi nakilalang mga suspek, ikinamatay ng anim katao.

Ang paghahain ng Cerficate of Candidacy (CoC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay pinalawig ng Commission on Election upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kandidato na maghain ng CoC para sa gaganaping eleksyon sa Agusto 8.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply