60kph pinagbago ang pamumuhay ng marami

MARAMING bagay ang binago ng patakarang 60 kilometro kada oras na maximum speed ng lahat ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kauna-unahan dito ang malaking kabawasan ng mga disgrasya sa daan.

Dahil nabawasan ang bilang ng mga namamatay, nabawasan din ang mga ahente ng patay o punerarya na nag-uunahan na magkarga ng mga bangkay para ideklara ng mga ospital na dead on arrival.

Marami tayong narinig noon na biktima ng double payment sa punerarya.

Yun bang === kung may sariling punerarya ang biktima ng aksidente, kinakailangan na bayaran muna ng kanyang pamilya ang punerarya na nagtakbo sa kanya sa ospital bago siya maipasa sa iba.

Nabawasan din ang hanap-patay ng mga pulis na may sariling suki na mga punerarya para magkakomisyon sa bawat bangkay na parating nila roon.

Nagbunga rin ang patakaran ng pagiging conscious ng mamamayan sa pag-iral ng mga batas para sa kaligtasan. Mas mainam ngang slow but sure ang takbo para makarating tayo sa ating pupuntahan nang buhay at hindi nasa emergency room at ICU ng mga ospital.

Hikaaaaaaaaaaaaabbb!

Kailangan talagang ikahon mo ang mga barumbadong tsuper sa mga lansangan na sanhi ng mga disgrasya at matinding trapik. Ang mga barumbado, kung gusto nilang magsuicide o pumatay, huwag silang mandamay.

Hindi sapat na kumpiskahan ng lisensiya ang mga ito dahil napakadaling palitan ang lisensiya at nagpapatuloy ang mga tarantado sa kanilang gawain.

Gayunman, pati ang mga bata at pati ang mga nag-oopisina o nagtatrabaho na dumaraan sa kalsada ay kailangang gumising nang maaga, mas maaga kaysa dati. Baka kasi ma-late sila sa pagpasok. May mga school pa namang nagsasara ng gate para sa mga late at marami ang mga opisina o pabrika na nagbabawas ng sahod sa mga late.

Meron lang tayong kahilingan sa mga enforcer. Huwag naman silang manghuli nang manghuli sa kaunting diperensiya sa speed. Kasi parang relo ang mga speedometer at gamit ng mga awtoridad sa pagsukat sa speed. Laging may pagkakaiba.

Baka pagsimulan yan ng gulo at mga tsuper at law enforcer naman ang magpapatayan.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply