63-61 win naisalba ng UP vs EAC Generals

NASINGITAN ng University of the Philippine (UP) Fighting Maroons ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals sa manipis na 63-61 sa FilOil Flying V Hanes preseason Premiere Cup para makunyabit sa tension.

Sina Nigerian Alinko Mbap, Jett Manuel at Mike Gamboa na pumuntos ng double-digit points sa pinagsamang 43 puntos ang sumagitsit para maisalba ang panalo kasunod ng pagkakasideline ni Mike Silungan sa third quarter na kasunod ng pagkakapinsala sa kanyang bukong-bukong.

Sa kabila ng tinamong pilay, si Silungan ay nakapagbuslo ng three triples, humablot ng limang boards at naka-apat na assists.

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ni Coach Ricky Dandan sa pangambang mapapahinga ng pansamantala ang kanyang pointmaker na si Silungan, habang ang matangkad na Nigerian na si Mbap ay nakalusot na sa residency requirement.

Si Mbap ay bumuslo sa huling quarter ng five points na naghahatid sa ikatlong panalo kontra sa dalawang talo sa Diliman Hoopsters sa Group B.

Umangat naman ang Mapua Cardinals sa third position tangan ang 2-1 win-loss slate matapos ilaglag ang San Juan de Letran Knights sa iskor na 80-62 sa second game.

Isang malaking 16 puntos ni Yousef Taha at nine rebounds ang ginawa ng bata ni Coach Chito Victolero, samantalang ang top-gunner ng Knights na si Kevin Alas ay maagang nalagay sa foul trouble.

Nanalo ang Cardinals laban sa Knights sa iskor na 80-62 matapos iwanan sa third quarter ang Muralla team, 60-42, sa third quarter.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply