6/55 Grand Lotto Jackpot aangat sa P242-M ngayong gabi

MARAMI nang Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) lotto games aficionados ang umaasang matityambahan na ngayong gabi ang patuloy na lumalaking jackpot ng grand lotto 6/55 na walang nakahagip sa wining combinations nitong huling tatlong buwan.

Ang kumbinasyong 31-16-54-42-40-08 na may katumbas na premyong P234,986,407.20 na binola noong Sabado sa Philippine International Convention Center (PICC) compound sa Pasay City ay muling nakaiwas sa mga libu-libong mananaya.

Kaugnay nito ang bola ngayong gabi ng 6/55 grand lotto ay inaasahang dadagsain ng mga mananaya dahil sa tinatayang aabot sa P242 milyon ang nakalaang premyo. May pahiwatig na paniniwala at pag-asa ang mga taong walang patid na tumataya sa mga lotto outlets hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga kanugnug na lungsod at munisipalidad.

Ayon sa ilang mga umaasa sa PCSO number games, hindi sila nanghihinayang sa pagtaya dahil batid nila na malaking porsyento na naiipon sa mga taya ay naiuukol sa programang pangkalusugan at iba’t ibang health services ng partikular na ahensiya ng gobyerno.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply