7 domestic flight kinansela sa NAIA

BUNSOD ng nararanasang sama ng panahon sa bansa, pitong domestic flight ang kinansela sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City umaga ng Biyernes.

Inanunsyo kaninang alas-onse ng umaga ni Connie Bungag ng Media Affairs Division (MAD) ng NAIA na kanselado ang  dalawang flight — ang PR-291 patungong Manila-Dumaguete at PR-292 Dumaguete-Manila.

Kabilang din sa mga kinansela ay ang limang flight sa Terminal 3. Ang mga ito ay ang 5J-196 Manila-Cauayan -5J-197 Cauayan-Manila, 5J-625 –Manila to Dumaguete , 5J-626 Dumaguete to Manila 5J-892 Caticlan to Manila –Manila to Caticlan

Wala namang nakanselang international flight.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply