7 ‘wanted’ na drug pusher tiklo sa PDEA

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pito kataong nasa watchlist ng ahensiya sa magkakasunod na operasyon sa magkakahiwalay na lugar kamakailan.

Ayon kay PDEA director, General.Jose S. Gutierrez, nahuli ng PDEA Region 10 sina Claudio Derecho y Gomez at isang Zainudin Lim y Diolanen sa isang buy-bust operation sa Purok 4, Barangay Saray, Iligan City.

Nakumpiska kay Lim ang ilang sachet ng shabu at marked money na ginamit sa operasayon. Nadakip na minsan si Lim sa Cotabato City.

Sa hiwalay na operasyon sa Cavite ay nadakip ng mga tauhan ng Metro Manila Regional Office ng PDEA ang magkapatid na Jerome Zamora, 30, at Erlyn Zamora, 23, sa isa ring buy-bust operation sa Imus,  Cavite.

Nakumpiska sa magkapatid ang 24.6067 gramo ng shabu at ang owner-type jeep (TMG 603) na gamit ng magkapatid.

Sa nasabi ring araw nadakip naman ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 5 Special Enforcement Team (SET), Irosin Municipal Police, at Sorsogon Provincial Public Safety Company (SSPSC) sina Julius Burgos y Laguna, Zaldy Valdez y Cruz at Noel Carpio y Dedase .

Nakumpiska sa mga suspek ang may anim na sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply