7 napatay na ‘environmental heroes’ pinarangalan

PINARANGALAN ng pamahalaan ang pitong tinaguriang ‘environmental heroes’ na napatay habang nagbibigay proteksiyon sa sinasalaulang kalikasan.

Ang mga ito ay binubuo ng apat na kawani at opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at tatlong non-DENR personnel.

Kabilang sa binigyan ng posthumous awards sa ginanap na paglulunsad ng National Greening Program (NGP) ay sina Kenedy Eber Bayani, forest ranger na napatay noong Hulyo 9, 2010; Rolando S. Sinday, tree marker na napatay noong Disyembre 6, 2010; Jacinto P. Dragas, forest ranger na napaslang nitong lamang Enero 13, 2011 at Pierre Gillo, community environment and natural resources officer (CENRO) ng Sta. Rita, Samar na pinatay noong Pebrero 25 ng kasalukuyang taon.

Pinarangalan din sina Nelson Luna, volunteer ng DENR na napaslang noong Oktubre 29, 2010; Christopher P. Mazo, hepe ng pulis ng Lianga, Surigao del Sur na pinatay noong Agosto 21, 2010; at Elpidio “Jojo” Malinao, forest guard ng Makiling Center for Mountain Ecosystem na nangangalaga sa Mt. Makiling, napatay nito lamang Mayo 9, 2011.

Maliban sa plake ng pagkilala, binigyan din ng tulong-pinansiyal, scholarship at employment program ang mga pamilya ng nabanggit na mga bayani ng kalikasan.

Nagtanim naman ng mga puno sa “Heroes Park” na isang liwasang itinaguyod para magbigay-pugay sa mga kawani at opisyal ng DENR na ibinuwis ang buhay para depensahan ang ating kalikasan.

Matagal nang kinokondena ni Environment Secretary Ramon Paje ang patuloy na pagpaslang sa mga kawani ng kanyang kagawaran na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Sinabi naman ni Amnesty International Philippines director Aurora Corazon A. Parong, marami talagang nagaganap na patayan at paglabag sa karapatang-pantao na may kaugnayan sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan laban sa mga makapangyarihang indibiduwal at organisasyon na sumasalaula at lumalabag sa batas para rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply