72-anyos lolo pisak sa Isuzu Elf sa Sta. Mesa

DUROG ang katawan ng 72-anyos na lolo matapos magulungan ng Isuzu elf, habang tumatawid sa kalye ng Sta. Mesa, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Jose Acol, ng 0695 San Martin St., Sta. Mesa, Manila.

Kusang loob namang sumuko sa awtoridad si Abraham Salon Jr., ng Parañaque City at driver ng Isuzu Elf (TJK 566).

Batay sa ulat ni SPO1 Carlos Abunda Jr., desk officer ng Manila Police District-Traffic Enforcement Group, dakong 10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Nagtahan sa Sta. Mesa.

Nabatid  na tumatawid ang biktima sa west bound lane ng nasabing lugar, nang mawalan umano ng preno ang Isuzu Elf na minamaneho ni Salon kaya hindi na nagawang maiwasan ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply