8 domestic flight, kanselado dahil kay ‘Chedeng’

KINANSELA Huwebes ng umaga ang walong (8) domesticflights dahil sa pananalasa ng Bagyong Chedeng.

Batay sa impormasyon mula sa Media Affairs Office ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kabilang sa mga kinansela ay kinabibilangan ng Air Philippines Flight 029 na biyaheng Manila-Catarman kaninang 5:30 ng umaga; Air Philippines Flight 030 na biyaheng Catarman-Manila kaninang 8:30 ng umaga; Cebu Pacific Flight 5J711 na biyaheng Catarman-Manila kaninang 5:30 ng umaga

Kanselado rin ang Cebu Pacific Flight 5J712 na biyaheng Manila-Catarman kaninang 9:00 ng umaga; Cebu Pacific Flight 5JJ325 na biyaheng Manila-Legazpi kaninang 6:00 ng umaga; Cebu Pacific Flight 5J326 na biyaheng Legazpi-Manila kaninang 8:25 ng umaga; Cebu Pacific Flight 5J521 na biyaheng Manila-Naga kaninang 6:00 ng umaga; Cebu Pacific Flight 5J522 na biyaheng Naga-Manila kaninang 8:45 ng umaga.

Humingi naman ng paumanhin ang Cebu Pacific sa kanilang customers sa pagkakaantala ng kanilang flights dahil ginagawa umano nila ang tamang pamamaraan para makaiwas sa magaganap na aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply