80 patay sa suicide bombing sa Pakistan

UMABOT ng 80 katao ang namatay at tinatayang 140 ang sugatan matapos atakihin ng dalawang suicide bomber ang isang military training camp sa bansang Pakistan.

Inako naman ng Pakistani Taliban ang naturang suicide bombing. Ayon sa kanila, ito ang kanilang paraan para ipaghigante ang pagkakapatay ni Osama Bin Laden ng mga kano sa isang compound sa Pakistan.

“Pakistani and the U.S. forces should be ready for more attacks,” ayon sa spokesman ng Pakistani Taliban na si Ihsan Ullah Ihsan.

“Osama was our great leader and the killers of Osama will have to pay its price,” dagdag pa niya.

Nabatid na halos lahat ng napatay at nasugatan ay pawang mga military recruits na nagsitapos pa lamang sa kanilang training.

Kaagad naman ito kinondena ng Estados Unidos at sinabing paraan lang umano ito ng mga Taliban para lamatan ang relasyon ng dalawang bansa.

“They’re clearly trying to disrupt our bilateral relationship through this attack. But it’s also clear that they are going to carry out these kinds of attacks no matter what,” ayon kay U.S. State Department spokesman Mike Toner

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply