850 patay sa kaguluhan sa Syria

UMABOT na ng 850 katao ang nasasawi sa bansang Syria dahil sa isinasagawang kilos protesta ng mga mamamayan na humihiling para sa pagpapatalsik sa kanilang presidenteng si Bashar Assad.

Nabatid na ang pinakabago ay ang pagkakapaslang sa 34 mga protestors makaraang pagbabarilin ang mga ito ng mga security forces ng Syria.

Labing-dalawa ang patay sa lungsod ng Homs habang labing-lima naman ang sa bayan ng Maaret al-Naaman.

Sapilitang itinataboy ng mga alagad ni Assad ang mga tao, dahil dito gumaganti ng bato ang mga demonstrador na nagiging sanhi ng matinding kaguluhan.

Mabilis namang kinodena ng bansang Amerika at Israel ang kaguluhan sa Syria. Sinabi ni US President Barack Obama na “acute concern” nila ang patuloy na pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan ng naturang bansa.

Lubha ring ikinababahala ng international human rights groups ang dami ng nagsisilikas na mamamayan ng Syria patungong mga karatig bansa nito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply