86-anyos soltera pinapak ng 35-anyos na manyak

NUEVA ECIJA – Arestado ang 35-anyos na lalaki makaraang mahuli sa aktong panggagahasa sa 86-anyos na matandang dalaga sa Barangay Batitang, Zaragosa,  iniulat ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Pajare, ng Dipaculao, Aurora, habang ang biktima ay si Flora dela Cruz Masibay, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong 12:30 ng tanghali, nang bigla na lamang suntukin ng suspek ang dibdib ng biktima at pagkatapos ay hinalikan ang matanda sa labi.

Nang mahubaran ay agad kinubabawan ng ng suspek ang matandang dalaga nang biglang dumating ang apo sa kapatid ng biktima na si Josephine Manzano, 35.

Dito na umaksyon si Manzano at tumawag ng bantay-bayan sa lugar dahilan upang dakpin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply