88-anyos na lola natagpuang patay

DAHIL malamang sa pagmamadali ng isang 88-anyos na lola na makapasok sa kubeta upang dumumi ay nadapa ito at nabagok ang ulo na sanhi ng kanyang pagkamatay Biyernes ng hapon, Mayo 6, sa San Andres Bukid, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 John Duran ng Manila Police District-homicide section, nakadapa at walang saplot pang-ibaba ang biktimang si Cresencia Villoria nang madiskubre ang namamaga ng katawan nito.

Nabatid na hindi na umano nagawang makapasok pa ng CR ang biktima dahil kalahati ng katawan nito ang nakasalampak sa bungad ng pintuan.

Huling nakitang buhay si Villoria ni Martina Navarro, pamangkin ng biktima, noon pang Abril 30. May nakalabas din na tae sa kanyang puwitan ng makita ng mga imbestigador.

Ayon sa pamangkin, wala na umanong kasama ang biktima sa kanyang bahay dahil may mga kanya-kanya na umanong pamilya ang anak nito at ang iba ay naninirahan sa ibang bansa.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St.Yvan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply