8th straight win nasungkit ng Tamaraws

WINALIS ng Far Eastern University Tamaraws ang Group A ng FilOil Flying V Hanes Pre-season Premier Cup nang ilaglag ang San Juan de Letran Knights 72-56 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinasaludo naman ng Mapua Cardinals ang Emilio Aguinaldo College Generals, 88-74, habang nginatngat ng San Beda Red Lions ang La Salle Green Archers 70-68 sa game winning triple sa huling 3.3 segundo ni Garvo Lanete para palakasin ang quarterfinals BID ng Red Lions sa Group A.

Nagtumpok si Pippo Noundou ng Tamaraws ng 15 puntos, 7 rebounds habang ang ex-junior shooter na si Terrence Romeo ay nag-ambag ng katulad na 15,  3 assists at 2 steals para sa ikawalong panalo ng tropa ni coach Bert Flores.

Maghaharap sa FilOil Flying V Arena sa Miyerkules ang University of the Philippine Fighting Maroons at Mapua Cardinals, habang sasagupa ang Lyceum Pirates laban sa La Salle Green Archers sa finals set naman ay ang banggaan ng San Sebastian laban sa San Beda Red Lions.

 

 

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply