9-anyos naligo sa break water, patay

PATAY ang isang 9-anyos na batang babae nang malunod ito matapos mayaya sa kalaro na maligo sa breakwater ng Port Area sa Maynila, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District Homicide Section (MPD-HS), ang biktima na si Mary Joy Mendoza, ng B7 Ext., Baseco Compound, Maynila.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan, hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima nang makarating dakong 5:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon ni Layugan, huling nakitang buhay ang biktima ganap na ala-una ng hapon nang yayain nito ang kalarong babae na maligo sa breakwater. Hindi na ito nakauwi pa.

Nabahala ang mga magulang nito kaya agad na hinanap ito sa kanialng lugar. Natagpuan ang bikitma na palutang-lutang sa dagat ng kanyang kapatid na lalaki na si Jonathan.

Agad namang humingi ng saklolo si Jonathan para maisugod sa pagamutan ang biktima, subalit hindi na ito naisalba pa ng mga doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply