91-anyos na lola pinatay na ginahasa pa

PINATAY sa pamamgitan ng sakal pagkatapos ay ginahasa pa ang isang 91-anyos na lola sa Barangay Pawa, Panay sa Capiz.

Ayon kay PO3 Romeo Sol Ortencio ng Panay Philippine National Police (PNP), halos natanggal ang lalamunan ng biktimang si Consorcia Beri matapos sakalin at hilahin ang dila nito ng itinuturong suspek na si Jorie Albino, 19, ng nasabing barangay.

Sinabi ni Ortencio, kasama ng suspek ang kaibigan nito na si Tommy Batan, 33, nang magtungo sa bahay ng biktima upang magnakaw ng manok na kanilang uulamin. Nagising umano ang matanda at nakipag-agawan pa ng flashlight sa suspek na humantong sa pananakal at panghihila sa dila ni Beri.

Itinanggi naman ni Batan, na tumatayong testigo, na may kinalaman siya sa krimen dahil sinaway pa niya siAlbino at isinumbong sa kapatid. Idinagdag pa nito, ginahasa pa umano ni Albino ang kawawang biktima kahit na ito ay patay na.

Inamin naman ni Albino ang ginawang krimen ngunit pilit na iginigiit na kasama si Batan na pumatay sa matanda.

Samantala, nakapiit na sa Panay police station detention cell ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply