Abortionist kalaboso sa Laguna

KALABOSO ang 40 taong gulang na abortionist sa Binan, Laguna makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng CIDG.

Nakuha kay Liwayway Mercado ng Binan, Laguna, ang tinatayang isang daang tableta ng cytotec pills o pampapalaglag na gamot.

Nauna ng may nagtimbre sa kapulisan ang ginagawa ng ginang na paglaglag sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa ng kanyang mga kliyente.

Nabatid na nanlaban pa sa mga pulis ang suspek nang aarestuhin na ito. Nadala na sa opisina ng CIDG si Mercado at inihahanda ang kaukulang kaso rito.

Habang nasa himpilan ng pulisya, nagpasalamat pa ang ginang na nahuli siya dahil sa matitigil na umano ang kanyang ilegal na gawain.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply