Abra, 5 beses nilindol

NIYANIG ng limang magkakasunog na lindol ang lalawigan ng Abra madaling araw ng Lunes, Mayo 9.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang unang pagyanig na may 3.0 magnitude na lindol sa layong 22 kilometro sa hilagang silangan ng Bangued Abra, at sinundan ito ng kahalintulad na lakas sa layong 16 kilometro ng naturang lungsod.

Nabatid na bandang 4:20AM nang muling yanigin na may 3.5 magnitude na aftershocks ang hilagang silangan ng Bangued, Abra.

Habang halos magkasunod naman ang magnitude 3.8 at 2.6 na aftershocks bago mag-alas sais ng umaga sa hilagang silangan ng nabanggit na lundsod.

Wala namang napaulat na nasaktan at napinsala sa naturang mga pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply