Absentee-voters’ registration sa OFWs simula na rin

INATASAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng embahada ng Pilipinas na mag-anunsyo na sa mga overseas Filipino worker (OFW) na simula na ang pagpaparehistro para sa absentee-voting para sa national at lokal na eleksyon sa taong 2013.

Naging dahilan umano kung kaya’t hindi nakaboto ang ibang mga OFW ay ang kakulangan sa impormasyon at anunsyo ng mga embahada at huli na bago nila nalalaman na mayroon palang nagaganap na pagrerehistro.

Isa rin umanong paraan ang pagpaparehistro sa absentee-voting upang malaman ang kasalukuyang lokasyon at kalagayan ng mga OFWs na naghahanap-buhay sa ibang bansa.

Malaking bilang ng mga OFW ang inaasahang makapagrerehistro at makaboboto sa panahong inilatag ng Comelec hanggang Oktubre 2012 bago dumating ang eleksyon.

Bagamat malayo pa ang eleksyon, nagsimula na rin kahapon ang national registration para sa mga botante at mga first-timers na boboto, ayon sa Comelec.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply