Adamson Falcons nakalipad sa quarterfinals

NAKALIPAD na ang Adamson University Falcons sa quarterfinals berth ng 2011 FilOil Flying V Hanes Pre-season Premier Cup kasunod ng pagdagit sa Mapua Cardinals sa main game na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nairehistro ng San Marcelino-based team ang 66-60 panalo kasunod ng paghahabol sa 40-37 kalamangan ng Cardinals sa kaagahan ng 3rd quarter.

Ang ace gunner na si Alex Nuyles ang nanguna sa scoring parade ng Falcons sa kanyang 16 points at 7 rebounds na hinablot. Sinuportahan siya ng 13 points ni Lester Alvarez na sinusugan nang pinaghatiang 20 puntos nina Eric Camson at Jan Colina.

Naikadena ng team ng Falcons ni coach Leo Austria ang no. 2 seed sa Group B na tangan ang 6-1 win-loss slate at may isa pang nalalabing laro habang ang Cardinals na sumadsad sa 3-2 record at bumagsak sa pang-apat na puwesto.

Nginata naman ng UST Tigers ang Lyceum Pirates, 65-55 habang naungusan ng UP Fighting Maroons ang UE Red Warriors sa score na 78-76 sa game-winning shot ni Alinko Mbah sa huling 1.5 segundo na naghatid sa Maroons sa tersera puwesto sa Group B, tangan ang 4-2 win-loss slate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply