Adamson swak sa V-League semis

GUMAMIT ng floor defense ang Adamson sa pagdurog sa Lyceum of the Philippines University, 20-25, 25-15, 25-18, 25-18.

Sa kanilang panalo ay nakakuha nila ang semifinal berth sa V-League Season 8 first conference na ginaganap sa The Arena sa San Juan City.

Si guest player Nene Bautista ay tumapos ng 26 hits, two blocks at isang ace para isulong ang Lady Falcons sa kanilang layuning masikwat ang ikalawang sunod na korona.

Samantala, sina Paulina Soriano at team skipper Angela Benting ay kapwa nakakuha ng 15 at 13 points para sa Adamson na nakadale na rin ng second semis spot sa Group B.

Papalapit na ang Lady Falcons sa quarterfinals taglay ang 2-1 win-loss slate habang ang Lyceum ay nalugmok sa 1-2.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply