Adik na PBA cagers tinitiktikan ng PDEA

TINITIKTIKAN na umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang players ng Philippine Basketball Association (PBA) na gumagamit ng ipinagbabawal na droga gaya ng shabu at iba pa.

Ayon sa sources, hindi nawawala sa listahan ng PDEA ang ilang players na posibleng humihitit ng methamphetamine hydrochloride o shabu na sumisira sa buhay ng maraming kabataan at matatanda sa bansa.

“Kumikilos na ang PDEA pero hindi ito nagpapahalata. Masisira ang diskarte nila kapag nagpahalata sila. Ang ilan umano sa mga gumagamit ng droga ay nasa pro at amateur league na siyang tinututukan ng anti-drug agency,” ayon sa isang source.

Samantala, sinasabi ng hinahalo umano ng ilang player ang performance-enhancing drugs (PED) at banned substances sa energy drinks kaya hindi ito nahahalata ng pamunuan ng liga.

Kasama umano sa mga ginagamit  ng ilang atleta ay ang steroids, diuretics, masking agents at stimulants.

Ang ilan din umano sa mga ito ay tumitira na rin ng cannabinoids at glucocorticosteroids na sa ibang bansa nanggagaling.

Ayon sa pa sources, ang ilang atletang may koneksiyon o galing umano sa ibang bansa ang nagpagkilala ng mga bawal na substances sa mga kapwa nila manlalaro sa PBA.

Ang exogenous anabolic androgenic steroids na nagpapalakas ng athletic performance ay kabilang din umano sa mga ginagamit umano ng ilan sa mga ito.

Tumitira umano ng mga gamot ang ilang atleta para hindi agad mapagod sa laro at mapabilis ang kanilang kilos o galaw at mabilis din umanong magpawis ang isang manlalarong nakagamit ng bawal na gamot.

Alam rin umano ng coaches ang ginagawa ng kanilang mga alaga at dahil sa nakakatulong naman sa performance ng mga ito ay binabalewala na lamang.

Hindi umano alintana ng mga ito ang epekto sa katawan ng mga bawal na gamot at sa kabila sa pagiging mapanganib ng paggamit nito ay patuloy pa rin sila sa pagtangkilik dito.

Kaya naman, nananawagan ang mga kritiko kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na agad na umaksiyon hinggil dito bago pa masira ang kinabukasan ng mga atleta.

Hindi lamang umano ang kalaban ang dinadaya ng mga adik sa PBA kundi maging ang mga fans at kabataan na humahanga o umiidolo sa mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply