Afghan police chief dedo sa suicide bomber

PATAY ang Northern Afghanistan police chief, dalawang mga sundalong German at apat na Agfhan sa panibagong pag-atake ng isang suicide bomber sa provincial office ng lalawigan ng Takhar sa Afghanistan.

Kinilala ang nasawing opisyal na si General Mohammed Daoud Daoud. Nagsilbing pansamantalang gobernador si Daoud sa naturnga lalawigan at itinanghal itong bilang pinakamalinis na gobernador sa Afghanistan. Dati si siyang deputy interior minister ng bansa.

Samantala, nasugatan din sa suicide bombing si German general Markus Kneip at si Takhar Gov. Abdul Jabar Taqwa.

Nabatid na katatapos pa lang umano ng isang security meeting para sa bayan ng Taloqan nang umatake ang salarin.

Umabot ng 12 ang nasugatan sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply