AFP kasado sa bantang pagganti ng terrorists

NAKAHANDA na  ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa  posibleng retaliatory attack ng teroristang grupo kasunod  ang pagkamatay  ni  Osama Bin Laden, ayon sa isang opisyal ng militar.

Sinabi ni Lt. Gen. Reymundo Ferrer, kumander ng  Western Mindanao Command, na ang pagpanaw ni Bin Laden ay isang malaking dagok kampanya ng mga terorista.

Ayon kay Ferrer, ang pagkamatay ng lider ng mga terorista sa buong mundo ay nakasira sa morale ng mga ito.

Gayunman, malaki umano ang posibilidad na magsasagawa ng kaguluhan ang mga ito, particular sa rehiyon ng Mindanao, dahil sa galit.

Nabatid na bago pa man napatay si Bin Laden ay naputol na ang financial support mula sa Al-Qaeda kaya’t ang mga kaalyado ng mga ito, tulad ng Jemaah Islamiya na nakabase sa Indonesia, ay naghuhusto na lamang sa pangki-kidnap.

Ang kawalan ng pinansya rin umano ang dahilan kaya naglalayasan na sa Pilipinas ang mga hinihinalang international terrorist na nagtatago sa Mindanao.

Iginiit ni Ferrer na nagpapatuloy  ang  kanilang opensiba laban sa teroristang grupo, na siyang  humahawak  ngayon sa  ilang mga  biktima ng kidnapping na sina Laurio delos  Santos   sa  lalawigan  ng Basilan, Nelson Lim sa  Sulu  at  tatlong tripulante ng Mega Fishing Co.

Samantala, aminado naman si AFP vice chief of staff Lt. Gen. Reyanldo Mapagu na hindi kailangan balewalain ang bantang retaliatory attack ng mga nakikisimpatiya kay Bin Laden, kahit pa hindi umano prayoridad ang Pilipinas bilang target ng pag-atake ng mga terorista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply