AFP ‘no comment’ sa plea bargain deal ni Garcia

TAHIMIK muna ang Armed Forces of the Philippine (AFP) matapos na aprubahan ng Sandiganbayan 2nd Division ang Plea Bargain Agreement sa pagitan ng Office of the Ombudsman at ni AFP Comptroller Ret. M/ Gen. Carlos Garcia.

Sa 22-pahinang resolusyon, inihayag ni Atty. Mary Ruth Ferrer na nasunod ni Garcia ang lahat na kondisyon sa plea bargain kaya naman ibinasura na ng Sandiganbayan ang motion of intervention na inihain ng Office of the Solicitor General upang harangin ang plea bargain deal.

“The AFP hasn’t received the formal document from the Sandigan Bayan. Until we have read the full context of the plea bargaining agreement of former AFP comptroller, Ret. M/Gen. Garcia, we cannot undertake any intelligent reaction,” ani AFP spokesman, Navy Commodore Miguel Jose Rodriguez.

Sa ilalim ng plea bargain agreement, ibabalik ni Garcia ang P150 million na kaniyang nakamkam sa pamahalaan kapalit ng paghain ng guilty plea at ibaba na lamang sa direct bribery ang kaniyang kasong plunder.

Wala rin umanong plano pa sa ngayon na maghain ng motion for reconsideration ang Hukbong Sandatahan sa Sandigangabayan kahit pa sabihin sila ang isa sa mga stakeholders at unang unang apekatdo ng  sinasabing graft and corruption .

Ang Plea Bargain Agreement ang sanhi ng imbestigasyon ng Kamara at Senado laban sa Ombudsman at nitong nakaraang linggo lamang ay tuluyan na ring nagbitiw si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Hindi rin kinatigan ang mosyon para mag-inhibit si Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval sa nasabing usapin dahil sa kawalan aniya ng merito. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply