AFP papalag sa banta ng China sa Spratlys

HINDI takot at handa ang tropang militar ng Pilipinas na gumanti sakaling gumawa ng hindi magandang hakbang ang China sa pagpapakita nito ng puwersa sa Spratly island .

Ito’y matapos kumpirmahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Sabado na may namataan silang dalawang jetfighter ang umikot sa pinag-aagawang grupo ng isla na nasa South China Seas noong Miyerkules.

“The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and the state. Our role to secure the sovereignty of the state and the integrity of the national territory continues,” pahayag ni  AFP chief Gen. Eduardo Oban Jr. .

Dalawang OV-10 ng AFP  na nasa kanilang misyon sa pagpapatrulya sa paligid ng Spratlys ang nakakita sa mga nasabing jetfighters.

Dumaan umano sa bahaging itaas ng OV-10  ang dalawang jetfighters na tila naghahamon. May pagkakataon pang lumilipad ang dalawang jet fighter ng mababa at sumusunod at tila aatake bago mag-iiba ng destinasyon.

Hindi umano nakilala ng mga piloto ng OV-10 ng AFP ang mga jetfighter.

Ang Spratly Islands ay grupo ng mga  reefs at isla na nasa  South China Sea. Ang pag-aari nito ay pinagtatalunan pa ng mga bansang Pilipinas, China, Malaysia, Brunei, at Taiwan.

Ayon sa Philippine Air Force (PAF), patuloy aniya ang kanilang pagpapatrol sa teritoryo upang mabigyan ng seguridad ang kanlurang bahagi ng bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply