Agarang pagresolba ng Luisita ‘malabo’

HINDI naniniwala si Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes na mareresolba agad ang usapin ng Hacienda Luisita.

Mag-iisang taon na mula nang mailuklok sa kapangyarihan si Pangulong Benigno Aquino III, na ang pamilya ang siyang nagmamay-ari ng lupain ng nasabing hacienda.

Ayon kay Delos Reyes wala pa rin pinalalabas na kautusan ang Korte Suprema na tutuldok sa matagal ng usapin ng lupain ng pamilya ni Pangulong Aquino.

Sa isang press conference sa Philippine Information Agency sa Quezon City Miyerkules, Mayo 4, sinabi ni Delos Reyes na anuman ang maging kapasyahan ng Korte Suprema hinggil dito ay agad naman nilang ipapatupad ang kautusan ng korte.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Presidential Communication Group Secretary Sonny Coloma na hindi iniimpluwensyahan ng Pangulong Aquino ang pagkakaantala ng nasabing usapin.

Aniya, hangad na rin ng kanyang liderato na matapos na ang ilang taong usapin sa mahigit apat na libong hektaryang pinagtatalunang lupain sa Hacienda Luisita.

Nilinaw naman ni Delos Reyes na hindi lamang ang problema sa ari-arian ng pamilya ni Pangulong Aquino ang dapat na pinagtutuunan ng pansin dahil ngayong 2011 ay pinagsusumikapan na ng ahensya na matugunan ang target nitong 200,000 ektaryang lupa na bahagi ng  1.35 milyong hektaryang lupain pang-agraryo sa ilalim ng extended CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) bago matapos ang 2014. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply