Ai Ai nagtilam-tilam kay Aljur merseng andyan si Kylie

HINDI inaasahan ang pagkikita nina Ai Ai delas Alas at Aljur Abrenica sa  birthday concert ni Sam Milby sa Zirkoh, Tomas Morato nu’ng Sabado. Pareho silang tulala dahil first time nilang magkita after na ma-link sila sa isa’t isa. Namula si Ai Ai. Speechless din si Aljur.

May bulungan pa sila.

Tinanong ng press si Ai Ai kung ano ang ibinulong sa kanya. Nagtawanan na lang dahil may nagbiro kung tinanong  ba ni Aljur kung magkano ‘yung Porsche.

Nakita rin namin na kasamang nanood ni Aljur ang pamilya niya at si Kylie Padilla!

Ano naman ang reaksiyon dito ni Ai Ai?

“Ok lang. Unexpected naman ang pagkikita namin. Kasama niya si bagets, hindi naman ako selosa,” sumasakay niyang turan.

Nakita rin namin na magka-holding hands sina Aljur at Kylie habang tumatawid sa Tomas, Morato patungo sa sasakyan nila nang umuwi na.

***

SUCCESSFUL ang  pagbabalik ni Willie Revillame sa TV5 para sa bago niyang programang “Wil Time Big Time” na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m.  at 5:00 p.m. pag Sabado.

Muling sumaya ang atmosphere ng TV5 at nagkaroon na naman ng pag-asa ang mga taong nagmamahal at nag-aabang sa show ni Willie.

Saglit naming nakatsikahan si Willie after  ng kanyang show. Kinuha namin ang reaksyon niya sa isyung gusto nang makipagbati si Pokwang sa kanya.

“Hindi naman ako nakikipaggalit sa kanila. Umalis ako ng ‘Wowowee’ na walang sinasabi sa kanila. Hindi naman ako nagtatanim. Ang importante ngayon ay nakabalik at makakatulong sa mga kababayan natin,” mabilis niyang sagot.

Totoo bang kinukuha niyang maging co-host si Pokwang sa ‘Wil Time, Big Time’?

“Marami na, e! Sobra na kami ng hosts,” sagot niya.

‘Yun na!

***

PANALO sa PR  ang PAO chief na si Persida Rueda-Acosta. Did you know she went out of her way para isakatuparan yung mapalapit siya sa entertainment press? In her own words, according to her, nakikita niya ang kahalagahan ng mga entertainment journalists who according to her can also be partners in devepomental aspect of our country.

At the presscon she tenders right at her office and attended by some legitimate press citizens, naging parang instant seminar/workshop ang presscon because it gave important pointers on the legal aspect of the writing profession. Marami ring mga pointers tungkol sa libel na ibinahagi si Ms. Persida.

All in all, napahanga ng PAO Chief ang movie-writing community  dahil sa husay niya sa pag-PR sa kanila.

May tv show sa TV 5 si Atty Acosta entitled “Public Atorni” at “Face to Face.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply