AIDS victims sa Pinas umabot na sa 654

UMABOT na sa 654 ang kumpirmadong may sakit at infected ng nakahahawang sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome  (AIDS) sa bansa matapos madagdagan nitong taong 2011.

Batay sa inilabas sa report ng National HIV and AIDS Registry, ang nasabing bilang aniya ay batay sa unang quarter pa lamang ng  taong 2011.

Ayon sa ulat, umaabot sa 171 ang nadagdag sa listahan sa loob lamang ng buwan ng Abril.

Dahil dito, pumalo na sa kabuuang 654 ang nagpositibo sa AIDS para lamang sa kasalukuyang taon.

Sa 171 na mga bagong nagpositibo, 165 sa mga ito ay mga lalake, habang anim ang mga babae.

Umaabot naman sa 11 sa kanila ay overseas Filipino workers (OFWs).

Kung ikukumpara umano sa kaparehong buwan noong 2010, may 154 lamang na kasong nadagdag kaya makikitang tumaas ngayon ang bilang ng mga biktima sa 11 porsyento.

Bunsod ng karagdagang mga kaso ng human immunodeficiency virus, umakyat na sa 6,669 ang nakarehistrong may taglay na ganitong uri ng sakit sa buong kapuluan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply