Airstrike para kay Gadhafi, 2 journalists patay

KINUMPIRMA ng tagapagsalita ni Libyan Ruler Col. Moammar Gadhafi na si Moussa Ibrahim na dalawang lokal na mamahayag ng Libya ang nasawi sa ginawang airstrike ng NATO forces sa compound ni Gadhafi.

Ang mga journalists na napatay ay nagsasagawa umano ng documentary sa loob ng Bab Asisiyah compound. Nadamay din ang isang Libyan official na nagsisilbing tour guide ng dalawa.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang pamunuan ng Libya dahil ang Libyan leader na umano ang tinatangkang patayin ngayon ng mga airstrike ng NATO.

Nabatid na lubhang nababahala na si Gadhafi at naniniwala ang National Transitional Council ng mga rebelde na ilang linggo na lang mananatili sa puwesto ang leader at tuluyan na itong lalayas sa kanyang puwesto.

“We are not discounting the possibility of an internal crackdown on the part of the hierarchy of the regime because of the continous airstrikes of NATO. In a few weeks Ghadafi regime will fall,” ayon pa kay Mahmud Jibril.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply