Aktres lumangoy sa sariling pawis

MARAMING fans ang nadismaya nang manood sila sa kanilang idol sa bago nitong show.

Na-disappoint sila nang todo-todo dahil ang inaasahan nilang dapat na mangyari ay di nangyari.

Ano nga ba ‘yun?

Ano pa, kundi ang makita nilang ang naturang show ay masasabi nilang sa kanilang idol nga iyon.

Imagine, sa kabuuan ng programa ay ilang beses lamang lumitaw ang aktres. Samantalang ‘yung aktor na hindi naman main host sa palabas na ‘yon ang siyang nakababad sa kamera.

Mantakin n’yo bang nakatulog na ang ibang fans dahil lamang sa kahihintay na lumabas on TV screen ang kanilang hinahangaang artista. Eh, ang show pa naman ng huli ay oras na para matulog ang mga tao.

Sa ating pananaliksik (pananaliksik, daw? Hahaha!), nu’ng mag-taping sa nabanggit na show ang aktres, halos panawan daw nang ulirat ito dahil sa sobrang init ng panahon.

Drum-drum na pawis ang iniluwal ng malusog na katawan nito bago natapos ang taping.

Eh, hindi pala puwede ang lola natin sa outside work dahil bawal sa kanya ang walang dalang magic electric fan. Kaya hayun, halos lumangoy siya sa sarili niyang pawis.

At dahil sa pangyayaring ito, napilitan ang aktres na si aktor na lang muna ang mag-host sa outside tapings. Saka na lang siya magbababad kapag sa loob na ito gagawin.

Hay…naku! Sinasabi na nga ba natin na bawas-bawasan ang paglantak sa mga ma-cholesterol na pagkain dahil ang ending n’yan, kundi ka pulutin sa hospital, sa sementeryo ang bagsak mo.

Sana sa next episode ay makita naman ng mga sandamakmak na fans ni aktres na kumakandi-kandirit naman ang huli para naman mapagtanto ng lahat na akma nga para sa kanya ang naturang show. Corner

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply